{"id":761,"date":"2021-03-05T00:37:29","date_gmt":"2021-03-04T16:37:29","guid":{"rendered":"http:\/\/laperfeccion.net\/?p=761"},"modified":"2021-03-05T00:37:29","modified_gmt":"2021-03-04T16:37:29","slug":"tunay-na-pagbabago-para-sa-ikasusulong-ng-tunay-na-ako","status":"publish","type":"post","link":"https:\/\/laperfeccion.net\/?p=761","title":{"rendered":"Tunay Na Pagbabago Para Sa Ikasusulong Ng Tunay Na \u201cAko\u201d"},"content":{"rendered":"\n<p><em>Medium: Kap. na Robit<br>January 30, 2021 \/ 6:08 PM<\/em><\/p>\n\n\n\n<p>Tanggapin ninyo ang pagpapala, manahan nawa sa inyo ang liwanag ng pagkakaisa, ang pagtutulungan at pagkakapatiran anuman ang dumating sa inyong mga kalagayan, ngayon at sa lahat ng sandali.<\/p>\n\n\n\n<p>Mga minamahal na mag-aaral, sa biglang malas, kung ang isang tao ay nagdarasal, sumasamba sa Diyos, nagbabasa ng Banal na Kasulatan, at nagpapahayag nito, marahil sasabihin ninyo na siya ay isang tunay na mananampalataya. Subalit kung titignan ninyo ang kabuuan ang isang tunay na mananampalataya, ito ay isang bahagi lamang ng kabuuan. Kung kaya\u2019t masasabing ito\u2019y isang bahagi ng paghahanda ng isang kalagayan upang kanyang matunton ang daan patungo sa lupang pangako, kung kaya\u2019t ito\u2019y susundan, ito\u2019y palalawakin, ito\u2019y palalalimin, ito\u2019y dadagdagan sa maraming kaparaanan at isa ito ay ang paghahangad na matuto upang mag-aral, upang unawain ang maraming aralin na kailanganin ng kanyang pagkatao.<\/p>\n\n\n\n<p>Sapagkat katotohanan na habang kayo\u2019y naghahangad na matuto ay inyong mapapatunayan sa inyong mga sarili na maraming mga aralin ang iyong kailanganin upang matanggap mo sa iyong sarili ang iyong mga kahinaan. At kapag daka\u2019y kikilalanin mo na tunay na marami ka pang kulang, na marami ka pang hindi nalalaman na tatanggapin mo sa iyong sarili na ikaw ay nagkamali. Kung kaya\u2019t sa pagtanggap sa iyong kahinaan, sa pagtanggap ng iyong pagkakamali at sa marami pang aralin na iyong natututunan ay magkakaroon ka ng hangarin na baguhin ang iyong sarili. Kung kaya\u2019t sasabihin mo na \u201cako\u2019y namamanata na ako\u2019y magbabago\u201d, subali\u2019t ito\u2019y hangarin ng iyong pagkatao at nagtatanong ka rin, \u201cpapaano ako magbabago?\u201d, \u201cmahirap magbago\u201d at iyon ay katotohanan. Subalit kung nais mong tunay na masulong sa iyong kalagayan, ikaw ay magdedesisyon. Ikaw ay magkakaroon ng isang tiyak na paghahangad upang makamtan mo ang iyong ninanais. Kung kaya\u2019t ipinapayo na sa iyong pagbabago ay lagi mong alalahanin na ito\u2019y isang desisyon.<\/p>\n\n\n\n<p>At sapagkat ito\u2019y isang desisyon, bagama\u2019t mahirap, ay iyong tatalikuran, iyong iiwanan, iyong bibitawan ang mga bagay na hindi tunay na kailangan at hadlang sa iyong pagbabago. Sapagka\u2019t ito\u2019y isang desisyon sa tuwinang darating ang hadlang, sasabihin mo sa iyong sarili \u201chindi ako susuko\u201d, \u201cmabuti ang aking hangarin\u201d, \u201cito\u2019y maghahatid sa akin sa pagkasulong ng kalagayan\u201d, \u201ckung kaya\u2019t hindi ko tatakasan ang mga suliraning kaakibat ng aking pagbabago.\u201d Ipinapayo rin sa pagbabagong ito na sasabihin mo sa iyong sarili, \u201cako\u2019y magtitiis, ako\u2019y magtitiyaga\u201d, sapagka\u2019t kaakibat ng pagbabago ang pagtalikod sa iyong mga kahinaan na nakasanayan, tunay na mayroong sakripisyo.<\/p>\n\n\n\n<p>Gayun din sa iyong pagbabago ay hindi ka mananatili sa iyong lugar o kalagayan, ikaw ay lalabas, makikisalamuha sa iyong kapwa sapagkat sa kapaligiran ay doon mo matatagpuan ang marami pang karunungan. Matatagpuan mo ang marami pang mga karanasan na siyang hahasa sa iyong mga kaangkinan. Sa kapaligiran ay mayroong mga pagsubok na kung saan ito\u2019y hahamon sa iyong katatagan, magbibigay ng inspirasyon upang higit mong pagtibayin ang iyong desisyon o kapasyahan&nbsp; na magbago. Sa iyong kapaligiran, maraming hahadlang subali\u2019t dito mo mapapatunayan kung tunay nga bang nagbago ang iyong sarili.<\/p>\n\n\n\n<p>Kung kaya\u2019t aking minamahal na mag-aaral, ang bawat isa\u2019y nagkaroon ng pamamanata, nagkaroon ng desisyon. Kung kaya\u2019t muli at muli sa inyo\u2019y pinauunawa na nawa\u2019y hindi ninyo nakakalimutan ang mga panatang ito. Lagi ninyong taglayin ang kababaang loob, gayun din naman, lagi ninyong isipin at tanggapin sa inyong sarili na kinakailangan ninyo ng mga aralin. Hindi sapat ang inyong nalalaman sa iba\u2019t ibang panahon sa buhay na ito. Hindi sapat ang inyong karunungan sa iba\u2019t ibang uri ng inyong mga kapwa, na inyong nakakasalamuha sapagkat sila\u2019y tulad mo, magkakaiba kayo ng antas ng inyong tunay na \u201cako\u201d.<\/p>\n\n\n\n<p>Ito lamang ang bahagi ng pag-aaral na sa inyo\u2019y maipagkakaloob ng inyong abang lingkod.<\/p>\n\n\n\n<p>Muli, tanggapin ninyo ang pagpapala. Manatili sa inyo ang pag-uunawaan, ang pagkakaisa, higit na\u2019y ang pagkakapatiran, ngayon at sa lahat ng sandali.<\/p>\n\n\n\n<p>Ang inyong patnubay\u2026 Mateo.<\/p>\n","protected":false},"excerpt":{"rendered":"<p>Medium: Kap. na RobitJanuary 30, 2021 \/ 6:08 PM Tanggapin ninyo ang pagpapala, manahan nawa sa inyo ang liwanag ng [&hellip;]<\/p>\n","protected":false},"author":1,"featured_media":0,"comment_status":"closed","ping_status":"open","sticky":false,"template":"","format":"standard","meta":[],"categories":[5],"tags":[],"_links":{"self":[{"href":"https:\/\/laperfeccion.net\/index.php?rest_route=\/wp\/v2\/posts\/761"}],"collection":[{"href":"https:\/\/laperfeccion.net\/index.php?rest_route=\/wp\/v2\/posts"}],"about":[{"href":"https:\/\/laperfeccion.net\/index.php?rest_route=\/wp\/v2\/types\/post"}],"author":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/laperfeccion.net\/index.php?rest_route=\/wp\/v2\/users\/1"}],"replies":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/laperfeccion.net\/index.php?rest_route=%2Fwp%2Fv2%2Fcomments&post=761"}],"version-history":[{"count":1,"href":"https:\/\/laperfeccion.net\/index.php?rest_route=\/wp\/v2\/posts\/761\/revisions"}],"predecessor-version":[{"id":762,"href":"https:\/\/laperfeccion.net\/index.php?rest_route=\/wp\/v2\/posts\/761\/revisions\/762"}],"wp:attachment":[{"href":"https:\/\/laperfeccion.net\/index.php?rest_route=%2Fwp%2Fv2%2Fmedia&parent=761"}],"wp:term":[{"taxonomy":"category","embeddable":true,"href":"https:\/\/laperfeccion.net\/index.php?rest_route=%2Fwp%2Fv2%2Fcategories&post=761"},{"taxonomy":"post_tag","embeddable":true,"href":"https:\/\/laperfeccion.net\/index.php?rest_route=%2Fwp%2Fv2%2Ftags&post=761"}],"curies":[{"name":"wp","href":"https:\/\/api.w.org\/{rel}","templated":true}]}}