Pag-aralan, Saliksikin, At Unawain Ang Simulain Ng Espiritismo

Medium: Kap. na Gener
January 23, 2021 / 6:26 PM

Liwanag ang sa aking mga kapatid ay laging manahan, sa inyong mga puso, sa buong pagkatao at pagtitiwala sa Diyos ay laging naroroon. Pag-ibig ang laging sa inyo’y manatili, ngayon at magpakailanman.

Kung ang pananampalataya ay napauunlad at naikikipamuhay, marahil ang kalagayan ng bawat isang nag-aaral ay umaayon at umaani ng espirituwal na katagumpayan. Sapagkat ang pananampalatayang ito ang magdadala sa tao na tunay niyang kilalanin ang sa kanya ay lumikha at ang pananampalatayang ito ang siyang magbibigay daan upang siya’y makakilala ng katotohanan. At ang pananampalatayang ito ang siyang nag-uugnay sa kanyang pagiging likha ng Diyos, ang magbibigay sa kanya ng kabuuan sa kanyang pagkatao upang ang lahat ng mga nilikha ng Diyos ay kilalanin at papurihan ang Dakilang Maykapal.

Kung ang tao ay bahagi ng napakaraming nilikha na may buhay, nagpapakilala ito na kahit sa sinoman na mayroon ng hininga ng buhay ay kikilala sa kadakilaan ng kanyang pinanggalingan at ng sa kanya ay lumikha. Mga mananampalatayang hinahangad ay kapayapaan, at ang kapayapaang ito ang siyang laging iniiwan at ibinabati sa kadakilaan ang Panginoon ang siyang magiging tulay ng bawat isa ay makakilala nga ng katotohanang sa lahat ng panahon ay kikilalanin ng lahat ng may buhay na papurihan at tuloy na dakilain ang kapangyarihan, ang kalinisan at kawagasan ng Dakilang Ama sa lahat ng panahon.

Kung dito iinog ang isipan lamang ng mga tao makikilala niya ang lahat ng sa kanya ay dumarating ay naroroon ang pag-aaral upang ang tao ay mag-umpisang gumawa, ihanda ang mga bagay na kanyang dadalhin upang magkaroon man ng mahabang paglalakbay ng buhay bilang tao, sa anomang aspeto na kanyang susuungin at kikilanin, madaratnan at iiwanan ay tatagal siya sa laban at hamon ng kanyang buhay. Dito susukatin ang tao, kung hanggang saan niya tatagalan ang init na dumadampi, ang lamig na sumasalubong, ang mga kabiguan o pagharang sa pagpapatuloy niya sa kanyang buhay bilang kawal at kamanggagawa ng Diyos na pinagkatiwalaan na ikalat at ipakilala sa kanyang pamamagitan na mayroon ng isang Diyos na sa lahat ng lumikha ay lumikha, na sa lahat ng may buhay ay nagbigay ng buhay at sa lahat ng pagpapatuloy ay nagpapatuloy upang doon sa dako paroon ng mga paglalakbay, mula pa noong panahon hanggang ngayon ay hindi mapagod subalit naroroon ang pagkakilala na hindi kailanman pinababayaan ang sinoman na kumikilala at humihingi ng tulong sa kanyang Ama.

Mga minahal na mag-aaral ng simulaing ito ng espiritismo, bahagi ng pagsulong ang kabuuang ito upang magpatulong ang tao, upang makakilala ang sinoman, upang kanyang madama ang pagmamahal ng Diyos sa kanyang kabuuan at ang lahat ng kaparaanang ito’y kikilalanin ng tao sa mga bagay na kanyang babalikin at gagawin, sa mga bagay na magiging tunay na sa kanyang harapan, sa gitna ng kanyang pamumuhay ay magbigay ng mga aralin, mag-iwan ng mga bakas, magbigay ng mga samyo ng mababangong bulaklak at gawa ang ng tao na siyang magiging palatandaan ng pagiging nilikha bilang tao ang siyang magiging tatak, mga alaala upang sa dako paroon ng kanilang mga buhay ay kanilang muling babalikan na mayroong siyang naging paggawa na iniwan niya sa kanyang kabuuan bilang mag-aaral ng simulain ng katuruang ito na ang pananampalatayang kanyang binuo, kanyang ipinakipamuhay na ang pananampalatayang kanyang pinataas ay laging kumikilala sa kadakilaan ng Diyos sa kanya ay lumikha.

At kung ang hangarin ng tao ay magpakawagas at mararamdaman ng kanyang sarili ang tunay na paglalakbay na ito sa gawaing kanyang aalamin, mabibigyan niya ng pagkakataon ang kanyang sarili sa pamamagitan ng pananahimik. Mabibigyan niya ng pagkakataon  ang sarili upang mag-ipon, magsubi, magplano, magbigay ng mga kaparaanan upang sa kanyang paglalakbay ay makita niya ang kalagayan na kanyang tatamuhin, na kanyang susuungin.  Sapagka’t sa muli niyang paglalakbay ay aasa sa kanya ang kanyang mga kamag-aaral, na ang tagumpay ang kanyang iuuwi at ito ang mga bagay na ginawa ng taong magsisilbing panggatong sa kawagasan ng pag-aalab ng init at apoy, na habang ang tao ay naglalakbay sa kanyang buhay ay makita ang daan na naroon sa liwanag na taglay-taglay ng kanyang kalagayan bilang kamag-aaral ng kanyang mga kapwang patuloy na naghahangad ng biyaya ng tulong at pagpapalang mula sa Diyos na sa kanila at sa inyo ay lumikha.

Kaya’t laging sa inyo ay inihahabilin, mag-aral kayo, magsaliksik kayo, ibigay ninyo ang mga pagkakataon sa inyong mga sarili sa kalayaan na naroroon ang isang tunay na linaw ng pag-iisip na hanggang kayo ay mayroong buhay at lakas hanggang sa mga panahong ito’y gamitin ninyo ang tunay na daan sa kapayapaang laging hinahanap at inaasam ng lahat at bawat isa sa inyo. Umiiksi man ang panahon ng inyong mga buhay, kung patuloy kayong nagbibigay ng katuklasan sa inyong mga pag-iisip, damdamin at kalooban na laging makipamuhay at naroon sa inyong mga puso ang pag-aaral ng simulaing ito, humahaba naman ang pisi sa kahandaan ninyo sa dako paroon sa patutunguhan sa paglalakbay ng inyong mga pagkatao.

At ito ang laging inaasam ng sinoman na nasa huli, sa dako paroon ng kanyang pagkahimlay, sa katawang laman na iiwanan ng kanyang kaluluwa ay makita niya ang lahat ay kanyang napaghandaan at hindi ang pagkabilasa sa kanyang paglisan ang lagi niyang dala sa kabila ng kanyang naging pamumuhay bilang tao na nilikha ng Diyos sa kapatagang lupa.

Kaya’t ang pananampalatayang ito ang lagi ninyong pangalagaan. Mapagyaman ito upang maging matibay ang inyong magiging pamumuhay, upang magkaroon ng  tunay na pananggalang ang inyong sarili mula sa pag-aalinlangan, mula sa pag-urong, mula sa mga bagay na  makapagbibigay sa inyo ng mga alalahanin. Mapagtibay nawa ninyo ang inyong pananampalataya at laging dumuon ang inyong mga pag-iisip sa Diyos.

Tingnan ninyo ang kalangitan upang doo’y makita ninyo sa bahagi ng kanyang  kalikasan at kaangkinan ay makita ninyo ang inyong sariling tunay na kapayapaan na ang lahat ng bagay ay inilagay ng Diyos sa kanya-kanyang lalagyan, sa kanya-kanyang puwesto. Sa mga lunan na dapat makita ng sinoman at bigyan ng pagkakataong, ang kapurihan sa lahat ng nilikha ng Diyos, dakilain Siya sa Kanyang kapurihan, sa kapangyarihan, higit sa Kanyang pagmamahal sa mga tao na siyang Kanyang pinagkatiwalan na pangalagaan at bigyan ng tunay na pagsasaalang-alang ang mga bagay, may buhay man o wala ay ibigay ng tao sa mga bagay na ito na kanila namang iiwan sa darating na mga henerasyon ng mga buhay na nag-iintay.

Mga minamahal na mga kapatid, ang pag-aaral ng simulaing ito ang siyang magbibigay ng daan sa sinoman na hanapin ang kanyang sarili at ito’y kilalanin. Paghandaan ang mga bagay,  papagtibayin ng kanyang pananampalataya, manatili na mayroon ng pakikipag-unay sa Diyos na sa kanya ay lumikha.

Ito ay bahagi upang ang tao ay makakilala sa kanyang sarili, hindi lamang sa kaparaanang abot ng kanyang kaisipan, higit sa mga bagay na sa kanya pa’y ibibigay na biyaya ng Diyos sa lahat ng panahon.

Ito ang pag-aaral na laging sa inyo ay iniiwan at inihahabilin.  Magpakataga kayo. Pataasin ang inyong mga pananampalataya sapagkat sa kaparaanang ito na napapanatili ninyo ang inyong pakikipag-unayan sa Diyos, ang Ama na sa inyo ay lumikha magpakailanman.

Muli ay sumainyo ang liwanag  at pag-ibig ng Diyos, magpakailanman. At laging tunay na tanggapin sa inyong mga puso ang tunay na biyaya ng kapayapaan, ngayon at hanggang sa wakas.

Ako sa inyo ay nagpapaalam, ang inyong apostol … Felipe. Paalam.