Session Sa Zoom, Magsisimula Na Sa November 7

Magbubukas na muli ang pintuan ng lunduyan sa darating na Sabado, November 7, 2020, matapos ipatigil ng pamahalaan noong Marso ang lahat ng religious gathering dahil sa COVID-19 pandemic.

Sa pamamagitan ng Zoom Meeting technology ay maihahatid na muli sa mga mag-aaral ng espiritismo ang mga abot-sabi ng Kabatlayaan at iba pang araling maka-langit.

Hindi tulad nang huli itong payagang magbukas ng lokal na pamahalaan noong July 4 at 11, kung saan ang 15 hanggang 20 na mag-aaral ang nakipag-aral sa lunduyan, ngayon ay mga medium lamang na tutupad ang papasukin at dapat ay edad 18 hanggang 65.

Ang kapatid na Conrado na siyang mamumuno ay sa tahanan niya lamang tutupad, maging ang kapatid na Santi at iba pang tagapagsalita.

Sa mga hindi makakadalo sa Zoom Meeting nang Live ay maaari namang mapakinggan ang audio recording nito sa ating website pagkatapos ng ilang oras. Para naman sa mga walang kakayahang maka-access sa internet, may mga mp3 player at usb ding ipahihiram.

Para sa link ng Zoom Meeting, mag-email lamang sa [email protected]


Samantala nitong Sabado, October 31 ay nagkaroon ng Kumustahan sa Zoom ang mga kakapatid sa pag-aaral. Ito ay practice na rin sa gaganaping session sa Zoom ngayong Sabado. Naging masigla at kapanapanabik ang nasabing pagtitipon na tumagal ng 1 oras at kalahati. Nagtapos ito sa session espesyal na pinamunuan ng kapatid na Conrado.