Paano Magkakaroon Ng Tunay Na Katahimikan Ng Pag-iisip, Damdamin At Kalooban Sa Gitna Ng Mga Pagsubok?

Medium: Kap. na Gener de Jesus
November 7, 2020 / 6:10 pm

Sumainyo ang pagpapala, kaliwanagan ng pag-iisip, damdamin at kalooban ang laging sa inyo ay manatili upang ang presensya ng Diyos ay laging sumainyong piling ngayon at magpakailanman.

Sa buhay ng bawat isa, na nawawalan ng katahimikan ang bawat isipan, kinakailangan kayong mananampalataya na laging kinakausap ang Diyos. Palaging dapat isipin at laging tanggapin ng sinoman na walang ibang kakapitan na walang magiging katunghayan upang mapagtibay ang pananampalataya kung di ang kanyang panyapak at palaguin ang kanyang paniniwala na sa mga ganitong nararamdaman at nararanasan ng lahat ng may buhay, ang Diyos ang dapat nyong makapitan.

Hindi kayo dapat lumayo, hindi kayo dapat kung saan lamang.  Ang isipan ng tao’y kinakailangang laging itutuon doon sa makapagbibigay sa kanya ng katahimikan, o ng kapayapaan. At ang kapayapaang ito’y inyong malalaman sa sandaling inyong nadarama ang presensya at biyaya na sa inyo’y patuloy na binibigay at pinagkakaloob ng Amang makapangyarihan.

Kapag ang tao ay nalulungkot, humahanap siya ng mga kaaliwan na sa huli’y makalimutan nya ang kasalukuyang kaguluhan ng kanyang pag-iisip. Mga pangambang sa kanyang sariling kalagayan ay dumuruon. Kapag ang tao’y nagagalit, hanggat maari’y makahanap siya ng kaparaanang ito’y maibsan. Kapag ang tao’y tunay na nangangamba, nalulungkot sa mga panahong hindi nya mahanapan ng solusyon o kaparaanan na makita nya ang tunay na katahimikan upang sa gayon, katahimikan sa gitna ng mga bagay na kanilang nararansan, naririto ang Diyos na marapat lamang na inyong kausapin. Idulog sa Kanya ang tunay ninyong nararamdaman. Kausapin nyo Siya. Bigyan ninyo ng katahimikan ang inyong mga sarili sa pakikipag-usap sa Diyos sapagkat walang ibang bagay na maaari pang makaragdag sa katahimikan ng tao, sa kanyang pag-iisip, sa kanyang damdamin at kalooban kundi ang makita nya sa kanyang sarili na siya ay napapatanag. Na kahit sa pansamantalang katugunan sa kanyang pangangailangang pang-espirituwal, o sa mahabang lakbayin ng kanyang kaisipan ay mabigyan niya ng tunay na sandigan, ng tunay na paninidigan at paniniwalang ang lahat ng bagay na ito ay mayroon ng kadahilanan.

At kapag tinanggap ng tao ito, unti-unting mabubuksan ang kanyang diwa, unti-unti niyang matatanggap ang tunay na dahilan at layunin ng mga bagay na ito’y mayroong tinatawag na pagsulong para sa kapakanan ng lahat at ng bawat isa. Hindi man sa ngayon, darating ang panahon sa inyong mga buhay, darating sa inyo ang mga tunay na pandama ng mga bagay na ito ay mayroon ng kapahayagan at katotohanang inilalarawan na ang lahat ng nararanasan ng lahat at bawat isa’y  darating ang panahon na ang kasagutan ay makikita ng inyong mga mata.

Mga pandama ng tao na sumusugat sa kanyang damdamin sapagkat naaapektuhan ang kanyang mga minamahal. Mga damdaming dapat na inilalapit sa Diyos. Mga bagay na dapat ninyong inihahandog sa Kanya. Humingi kayo ng tulong sa Itaas. Humingi kayo ng mga gabay, ng mga biyaya, ng mga basbas upang kayoy patuloy saan man kayo pumaroon, kayo’y aalalayan. Sa mga pagkaing pangkaluluwa ay mabigyan kayo ng tunay na kaliwanagan ng inyong mga pag-iisip ng pagtanggap, at doon nga’y maihayag ninyo ang inyong mga saloobin,  upang inyo ring tanggapin ang kapayapaang hatid ng biyaya ng Diyos sa inyong mga buhay. Wala kayong ibang pakikinggan kundi kung ano ang dumaratal sa kapayapaan ng inyong mga tunay na pagkatao. At ang kalayagang ito na tunay ninyong nararamdaman ay tangggapin ninyong kayo at ang Diyos ay nagiging isa na magkaroon ng kapahayagan hindi lamang sa inyong mga sarili, higit sa lahat sa mga hindi pa nagkakaroon ng kaunawaan, sa mga bagay na hindi pa nila nuunawaan, sa mga darating pang panahon ng pakikibaka upang masampa ang kapayapaan at katibayan ng inyong kalagayay makita ninyong tunay sa mga kapahayagang binibigay sa inyo ng Diyos na nasa mga langit.

Mga minamahal na mag-aaral ng simulaing ito ng pag-ibig at katotohanan, ng simulaing ito ng espiritismo, tunay kayong magpatuloy sa inyong mga pag-aaral. Kung mayron man ng pagkahinto sa pisikal na pagtitinginan o pagpupulong, hindi ito naging hadlang kailanaman sa isang taong naroroon ang patuloy na pananalig at pananampalatayang ang bawat isa ay ginagabayan sa pang-araw-araw niyang pakikipamuhay at pakikisalamuha sa kanyanag kapaligiran. Ang mga aral na ito ay mga diwa, ang mga diwang ito’y siyang naghahayag at nagpapatunay na ang tao ng kaalamang ang tao kailanman ay hindi pinababayaan ng Diyos.

Patuloy siyang binibigyan ng mga biyaya at kaliwanagan ng kanyang pag-iisip upang patuloy nyang makilala ang kapahayagan ng Diyos na tunay inilalahad ng mga bagay sa inyong kapaligiran sa gitna ng inyong pamumuhay.

Mga minamahal ko, patuloy kayong kumapit sa Diyos, patuloy nyo Siyang kausapin upang ang inyong mga kaisipan ay dumoon sa mga bagay na patungo kapayapaan magmula ngayon at magpakainlaman.

Muli ay sumainyo ang kapayapaan, lagi ninyong bigyan ng pagkakataon ang inyong mga sarili na kalimutan kahit sa gitna na nakahambad ang mga kaguluhan, at ito’y isang matibay na inibibigay sa inyong pag-aaral ng Diyos na kayoy magpatuloy sa isang pagpapagal ng pamumuhay sa inyong mga  tunay na katauhan.

Ako sa inyo ay nagpapaalam, ang inyong apostol … Pablo.