Medium: Kap. na Gener de Jesus
November 14, 2020 / 6:42 pm
Sumainyo ang kapayapaan mga anak ng Diyos na laging patuloy na sumusubaybay sa kagalakang matanggap ninyong mga mamamayan ang tunay na mag-aaral ng simulaing ito ng espiritismo ang tunay na kapayapaan, kayo ay aking binabati, ngayon at magpakailanman.
Sa mga panahon na nararanasan ng mga tao ang mga kalamidad, nag-iipon-ipon ang mga pag-iisip at tumitingala ang kanilang mga paningin sa Kaitaasan. Tumatawag sa Diyos na Amang Dakila sa lahat na sanay sa gitna ng mga unos sila ay iligtas ng Dakilang Ama. Dito nabubuo ang kaisahan ng mga pag-iisip ng mga tao. Dito nabubuo na sanay dinggin Nila ang pangangailangan, sampu ng mga espiritu na sa kanila’y sumusubaybay, na bigyan sila ng tunay at tumpak na kaisipan at kaparaanan upang sila’y hatiran ng Dakilang Ama at ng mga banal espiritu sa mga kakayanan na kanilang magagawa upang iligtas nila ang kanilang mga sarili.
Kaya nga ang mga tao’y humihingi ng tulong sa Diyos, kaya nga ang mga tao’y nag-aabang na kung ano ang sa kanila’y ipararating ng Kaitaasan. At dahil sa ang tao’y mayroon na ng pananampalataya at pagtitiwala sa Diyos, maya-maya lamang ay dumuruon na sa kanilang mga kalagayan at inihahatid ang mga lakas at kaparaanang kanilang hinihiling.
Ipinapakita lamang sa mga tao na kinakailangan na ang kanilang pag-iisip ay laging dumuruon sa Diyos, lalo pa nga na dumarating sa kanila ang mga pangyayaring minsa’y nawawalan na sila ng lakas na gumawa ng mga kaparaanan upang isalba ang kanilang mga sarili.
Mga minamahal na mag-aaral, ipinapakita ng Diyos at ng Kaitaasan ang mga bagay na ito sa inyong lahat, walang sinisino upang inyong makita ang kahulugan ng mga pangyayari sa inyong buhay. Kapag sinasabi ng mga tao na “iligtas Mo po kami sa mga masasama, na huwag na pong ipagkaloob sa mga bagay na hindi mauunawaan ng tao ang maaaring sa kanila’y dumoon at maganap”, nakikita ng tao ang mga kasagutan, hindi man sa kanilang mga sariling karanasan ay doon sa mga karanasan ng kanilang mga kapwa.
Sa mga bagay na nakikita ng tao, hindi magagawan ng kaparaanan ang isang bagay na sa kanilang pagkaalam ay tumpak o isa ng perpekto sa pagkagawa o pagdidisenyo kung hindi marahil mabibigyan ng kaparaanan ng pagpapakitang mayroon pa pala sa gitna ng mga bagay na ito na gagawin at itatama.
Magbibigay ako ng isang halimbawa, marahil ay ganap na nabigyan na ng tunay na hubog ang isang bagay ng isang dito ay nagdisenyo, at handa na ang kanyang sarili upang ito ay masubukan, subalit sa isang banda’y nagkaroon ng isang kaganapan na ang tibay ng istraktura ay nagkaroon ng pagkakamali. Dito makikita ng tao na higit pa niyang bigyan at pagtuunan ng kanyang pansin, na higit sa lakas na binibigay ng pagkakataon ay dapat niya palang bigyan pa at dapat pagtibayin sa muli niyang paggawa ng isang istraktura. Marahil sa pag-aakalang higit na ang lakas na kaniyang iginugol ay hindi pa pala sa sapat, sapagkat ito ay nasubok sa kanyang kakayanan at sariling kalakasan.
Kumbaga sa mga karanasan ng tao, hindi magkakaroon ng pagkilos ang isang nilalang sa gitna na kanyang pamumuhay kung hindi niya makikita ang pagkawasak o kung hindi man pagkawasak ay maaaring pag-uga o maaaring isang maliit na pagbabago mula doon sa orihinal na likha ng kanyang sarili o likha ng mga kamay ng mga tao. Hindi rin masusubok at sasabihing perpekto ang isang bagay sapagkat hindi pa nabibigyan ito ng tunay na paghuhusga. Kaya nga’t binibigyan ng pagkakataon ng kanilang mga sarili ang kanilang mga sariling kakayanan na bigyan pa ng pagkakataon at pagtuunan pa ng pansin sapagkat may higit pang kalakasan o puwersa na maaring gumapi at magbigay ng tunay na lakas, sa kinauukulang lakas na binigay o inilikha ng mga kamay ng tao.
Mga minamahal ko, pinapakita ng Diyos kung paano kayo magpapatuloy sa inyong mga pananampalataya, patuloy ninyong patitibayin ang inyong mga katatagan, at patuloy ninyong hihilingin sa Diyos na kayo ay bigyan ng mga kaparaaanan, linaw ng mga pag-iisip at lakas ng inyong mga katawan upang patuloy ninyong magawa ang mga hinahangad na plano o disenyo sa inyong buhay. Tunay na pinapakita sa inyo sa harap ng inyong pamumuhay ang mga bagay na ito’y kinakailangang gawan ng paraan bago pa dumating ang tunay na higit na lakas na inilaan ninyo sa mga bagay na inyong nilikha. Sa paghahangad na kayo nga ay tunay na nasasalba na, na kayo ay hindi pasukin ito ng tubig, dumarating sa panahon na higit na mayroon ng lakas na bubutas o tutulo upang inyong malaman na dapat palang inyong bigyan pa at pagtuunan ng pansin na ito ay higit na bigyan ng tapal o panibagong pagdidisenyo upang ito na maunawaan na sa susunod na tumama ang higit na malakas pa ay naipaghahanda ninyo ito sa pagdating sa mga bagay na hindi ninyo inaasahan.
Ganyan din ang buhay ng tao, hindi man nararanasan subalit pinakikita ng Kaitaasan ang inyong mga sarili mula sa inyong mga kapiligiran. Kaya nga ang lahat ng mga tao ay kailangang magbigay ng panahon, pag-isahin ang kanilang mga pag-iisip na humingi lagi ng tulong mula sa Diyos upang kanilang tanggapin ang mga kaparaanan, hindi man tuwiran at hayagang ipagkaloob o ibigay at ipahintulot ng Diyos ay makita naman ng tao na ginagamit ng Diyos sa mga hiling nila ang kanilang mga kapwa na tutulong at magiging kaisa nila sa mga bagay, sa hangarin na sila ay magkaroon at tumanggap ng kapayapaan at kasiguruhan sa kanilang mga pamumuhay.
Nakikita ninyo ang lahat ng ito, kinakailangan lang na magsipaghanda.
Nakikita at nadirinig ninyo ang mga balita upang kayo ay paghandain ng Diyos sa maaari at mga bagay pang hindi maaaring isa lamang ang gagawa, kundi higit ay kailangang pagtulungan sa hangarin na ang lahat ay makabuo at makapagbigay ng katuparan, ng pagtutulungan, pagkakaisa na para sa lahat.
Inililigtas kayo ng Diyos sa pamamagitan ng pagpapakita sa inyo ng mga karanasang inihahayag ng inyong mga kapiligiran. Magpasalamat kayo sa isang kaligtasan at sa mga darating na pagpapahayag na kaligtasan sa inyong mga tunay na pamumuhay. Kaya nga’t lagi kayong dapat na nakatuon sa Diyos at tanggapin ninyo ang kasaganaan ng kanyang mga biyaya, na ang lahat ng ito ay tunay na magiging sandata at pananggalang ninyo bilang mga mananampalataya, at hubugin ang inyong kaisipan, damdamin at kalooban na ang lahat ng ito’y mapaghandaan at pinakikita na nga sa inyo ang mga kaganapan upang inyong mga sarili sa isang banda’y tunay na magsipaghanda at tunay na magplano para sa mga darating na mga panahon.
May panahon ng ang mga tao’y naroroon sa isang kalagayan na natatakot, nagugulumihanan, nalulungkot. May mga panahon na ang mga tao’y naroon sa mga kasiyahan. May mga panahon na ang tao’y pinakikitaan ng kasaganaan, sapagkat ang lahat ng bagay na ito, kapag nabuo sa isang kaisahan ay naroon ang tunay na pananampalatayang laging nasa inyo ang Diyos sa lahat ng panahon ng inyong mga buhay.
Mga minamahal ko, lagi ninyong hilingin sa Diyos na laging maging malakas ang inyong mga katawan, sapagkat mayroon pa kayo marahil ng mga gampanin hindi lamang sa inyong mga sarili, higit ay para sa inyong mga minamahal sa buhay. Lagi kayong magpasalamat na sa araw-araw ay nabibigyan kayo ng hininga ng buhay.
Kaalinsabay nito ay tunay na magampanan ninyo sa abot ng inyong makakaya na maglingkod at magpalakas sa pananampalataya sa lahat ng panahon ng mga buhay.
Ito lamang ang aral na sa inyo’y ipanagkakaloob ng Diyos sa isang pananamapalataya na lagi kayong kumapit sa Kanya at lagi kayong magtiwala at maghandog ng mga panalangin para sa kaligtasan, kapayapaan at katahimikan ng pag-iisip ng inyong mga kapwa sa lahat ng dako at panahon ng inyong mga buhay.
Muli ay sumainyo ang kapayapaan, mabuhay kayo ng tulad sa mapayapang daloy ng tubig na sumasabay sa agos ng panahon.
Muli ako sa inyo ay nagpapaalam, ang inyong apostol … Pablo. Paalam.