Karunungan At Pag-ibig, Pananampalataya At Gawa, Mga Kailangan Para Sa Ikatatagumpay Ng Pamumuhay Sa Lupa

Medium: Kap. na Lucy (mula sa La Humildad)
April 2, 2021 “Siete Palabras

Patnubayan kayo ng walang hanggang pag-ibig ng Ama at kapayapaan lagi na.

Sa lahat ng mga nilikha, may buhay man o walang buhay sa daigdigang lupa ay napapaloob sa iba’t ibang batas na umiikot o sirkulo sa batas ng pagbabago at pagsulong. Hindi lamang ito nauukol sa reyno delos hentes, reyno animal, reyno vehetal at reyno mineral, lahat ay sakop ng batas na ito hanggang patuloy na nagsisikhay at mapatunayan ang kanyang katuturan at kahalagahan sa batas ng harmonya at ng pangangailangan ng iba’t ibang reyno. Matagal nang nagaganap ang drama na siyang nagsisilbing multong kinatatakutan ng maraming mga diwa sa kasalukuyan. Drama sa tanghalan ng buhay, na ito ay tumutukoy sa pagsulong  upang unti-unting matanim at maani nang ganap kung ano ang pag-ibig at katarunungan na siyang tanging nagbubuhol sa karunungan ng ating Ama.

“DRAMA” na ang unang titik nito (D) ay siyang taglay ng marami ninyong kapatid, nawawala na sa katinuan, nawawala na ng pag-asa, lalo na patuloy na binibigti ng palagian ang diwa ng buhay. Ang ikalawang titik o letra ay ang “RA” na sa halip na maitayo o makabangon at kanyang maisakatuparan ang mga butil ng pakikibaka sa ganitong kalagayan, nanlulupaypay, bumalik sa dati na kintatakutan ang tinatawag ninyong pagsubok, ayaw, tinututulan ang batas na ito na isang paghamon tungo sa pagbabago ng iyong “ako”, ng iyong diwa na mayroon ka na ng karunungan o kaalamanan sapagka’t ito ang batas na unang tuntungan mo upang makilala mo ang iyong sarili na karapatdapat ka sa pagkilala, pagtanggap at pagpapala ng ating Ama.

Ang susunod na titik ay ang letrang “M”, lupaypay, na sa halip na magkaroon ng liwanag, matibay at patuloy na pakikipag-ugnayan sa Ama na kahit hindi ka nabibilang sa paturuang ito ay alam mo kung paano maging payapa ang iyong sarili upang ang lakas na itutulak ng iyong isipan na susuhayan ng iyong damdamin at pagnanasa na maging isang matagumpay na halimbawa o modelo ng iyong kapwa sa nangyayaring, wika nga na tinatanggap at nagiging bukambibig na unti-unti nang nakasubasob sa kanilang mga palad at tinatanggap ang pagkabigo, hindi nila kayang suhayan ang kabuuan ng kanilang pagiging mananampalataya na noon pa man sa paulit-ulit na pakikipamuhay ay lumaya na sa kamangmangan. At Nalalaman na ito ay pagpapala, batas na dapat matupad, na mapanagumpayan upang kanyang iwagayway ang bandila ng pagkatuto bilang isang naniniwala sa pagpapala at pagsubaybay ng ating Ama.  Na ito ang salik, matibay na salik o pundasyon ng iyong pagkatututo bilang isang Kristiyano na ang lahat na ito ay batas na mapanagumpayan ng isang manlalakbay-kapatagan dito sa lupa.

At ang huling titik ng Drama (A) “aksyon”, motibasyon, na matapos na makamit mo ang mga kaalaman na hindi igugupo ang iyong sarili, hindi mawawalan ng pag-asa kundi lalo kang hahapit sa liwanag at matatamo ang suhestiyon na sa iyo ay sumusubaybay kung paano muli aalisin ang bigat ng bigti ng buhay ng iyong diwa. At ikaw ngayon ay handa at mauunawaan mo na ang pitong wika na siyang isinasaalang-alang ng sangka-Kristiyanuhan ay ito ang pitong lebel, antas na tatahakin na kailangang maganap, kaalinsabay ng ibat ibang batas tungo sa iyong pagbabago at pagsulong. Wika nga, paghahanda sa pagbabalik sa kaharian ng Ama.

Mga kapatid, literal-mente ay hindi na sa inyo ilalahad ang mga wika o ang pitong wika na ito sapagkat ang mga wikang ito na huling mga salita, pangungusap ni Hesus ay siyang kumakatawan na napapaloob sa sirkulo na dapat na gampanan sa “nukleyus” ng iyong pagtayo bilang isang magiting na kaluluwang nakalaya na sa kadiliman. Natamo mo na ang liwanag at walang pagtututol naoohan mo pagganap at namumulat sa iyo ang salitang salamat, sapagkat ikaw ay isang matapang, may kaalaman, sadyang hinanap at inaasahan ang mga trahedya, mga salot na siyang gumugupo sa kapanatagan at kapayapaan ng nakararami ninyong mga kapatid.

Kaya kayong mga nabibiling sa pag-aaral na ito, matulad sana kayo sa isang inahing agila, na sa paglisan niya sa pugad, na hindi natitiyak na siya ay makababalik, sa pagtatangka, minsan, makalawa sa pag-ikot sa nalalaman niyang mayroon siyang madadagit, masisila na pagkaing maihahandog, maisusubo sa kanyang mga inakay, ang inang ito wika nga, ay nasa kanya ang pagnanasa, na sa kanyang  munting kakahayan na kahit sa pagkampay ng kanyang mga pakpak ay pagal na sa pag-ikot-ikot sapagkat kailangan niyang gamitin ang kanyang karunungan, ang kaalaman sa kalkulasyon, kung papano sa kanyang pagbulusok at pagdagit sa lupa ay magtatagumpay na makamit ang pagkaing itong buong buo ang pag-asa na siyang magdurugtong sa buhay ng kanyang mga inakay. Na ito ay inyong maihahantulad hindi lamang mga ina ng tahanan, kundi ang lahat na nagsisikhay na maitaguyod ang sariling buhay, ngunit ano ang nangyayari sa kasalukuyang kalagayan? Nagagapi ng pagkaawa sa sarili, nagagapi ng kawalang pag-asa, ng takot at lagim na kanilang susuungin. Ano ang nagbibigti sa buhay ng kanilang diwa? Ang kawalan ng pananampalataya. Hindi makalaya sa kamangmangan at sa mahigpit na pagkapit na ito ay bahagi ng batas na dapat niyang mapanagumpayan.

Wika nga, “Ama, sa iyong mga kamay inihahabilin ko ang aking kaluluwa”, sapagkat sa pagkakataong ito ay dapat malaman ng marami ninyong mga kapatid na walang halaga ang maraming salapi sa ganitong estado ng pakikibaka sa lihim na kaaway. Na kung inyong nababatid, ang hanging ito na hindi kaaya-aya sa hemispira sa Hilaga ay siyang lubhang mapanganib na bumubuhay sa virus na ito na kung hindi kayang sagupain at kung paano mamumuhunan na maglalangkap ang hangin sa hemispirang nagmumula sa Silangan, sa Timog na ang lakas ng hanging ito ang siyang sasagupa upang mahadlangan ang patuloy na pananalasa ng hanging ito ayon sa pag-aaral ninyo sa kalikasan.

Kaya ang mag-aaral ng espiritismo ay hindi lamang natutuon sa isang haligi, kailangan ding maiugnay ang lihim sa Siyensya, Pilosopiya upang maunawaan ninyo at matanggap ang kaaya-aya at ang kagandahan ng batas na natutupad sa kasalukuyan. Pagbabago, pagsulong sa kabuuan, nilamanan ng katangian pang-kabanalan ng ating Ama.

Saliksikin ninyo, pag-aralan ninyo, walang imposible sa panahong ito ng makabagong teknolohiya.

Kapayapaang muli, paalam … Arkanghel Saraqael.