GERONIMO DE GUIA
Medium: Kap. na Albert
June 6, 2018 / 6:55 PM
Sumainyo ang kapayapaan at ang pag-ibig sa pag-aaral ng simulaing ito, ngayon at magpakailanman.
Ano ang pag-aaral ng simulain ng espiritismo? Ano ang binabago ng pag-aaral na ito? Nadarama kaya ng aking mga kapatid kung gaano ang pagmamahal ng ka-Espirituhan sa mga tinig na lagi na’y ipinagkakaloob bilang tao na nabubuhay sa pagmamahal at pag-ibig ng Diyos? Ano ang nadarama ng aking mga iniibig na mag-aaral? Ito ang mga katanungan na lagi na’y sumasagi sa mga panahon ng pag-aalinlangan, sa panahon na ang nangingibabaw ay ang pagkatakot, ang kalungkutan, at bilang mag-aaral ng dakilang simulain ng Espiritismo, ng inyong tunay na ako, ng inyong kaluluwa, kayo ang makasasagot upang ang pag-aalinlangan sa pag-ibig ng Diyos, sa pananampalataya ay mabuo sa inyong mga sarili, sa inyong pag-iisip, damdamin at kalooban ng aking mga kapatid.
Sa pamamagitan ng wagas na pananahimik at kapayapaan na lagi na’y hinihingi ng inyong mga pagkatao sa pag-aaral ng simulaing ito ang katotohanan ay ipinadarama nang laguslagusan ng Kabatlayaan upang madama ang damdamin ng pag-aaral sa inyong pagkatao, at ito ang tagumpay na hinahanap ninyo. Dapat ninyong malaman kung ano ang gawaing hinahanap ng isang espiritistang tunay na naghahanap ng katotohanan sa katarungan ng Ama.
Ang paggawa ng kabanalan ang tunay na ninanais ng inyong mga Espiritu na may kasiyahan. Huwag ninyong pagsasawaan ang mga salitang ibinabahagi ng Kabatlayaan. Kung ang mga salitang ito’y uunawain lakip ang inyong mga damdamin, mauunawaan ninyong ito’y pag-ibig ng Ama na magbibigay sa inyo ng lakas ng loob sa pamamagitan ng inyong pananampalataya. Ipinadama, ipinamalas ng Kaniyang sariling anak, ipinakita ng Kaniyang sariling anak upang ipakita ang katapatan ang pananampalataya na ano pang pag-ibig ang hihigit dito na ibigay ng tao ang Kaniyang buhay alang-alang sa kaniyang mga kaibigan.
Nais ng kaitaasan na madama, na kayo’y mga espiritista ng karunungan at hayagan na kayo’y gagawa alang-alang sa inyong kapwa. Ito ang laging inaantig sa inyong damdamin at kalooban, ang pagsasakatuparan ng inyong mga gawain. Ito ang pananampalatayang bibigyan ng buhay upang ang maliit na pananampalatayang tulad sa aking mga kapatid, mga espiritistang kulang ng yaman subalit sagana sa mga aralin ng Kabatlayaan. Walang tigil sa pag-ibig upang kayo bilang taong nagkaroon ng katawang laman upang ihayag ang kaniyang tungkulin bilang espiritista ay naglalaan ng oras sa inyong kapwa, naghihintay at nagmamasid kung ano ang magagawa ng isang espiritistang nananampalataya sa Ama sa pamamagitan ng maraming kaalaman sa pag-aaral ng simulain ng espiritismo, ng liwanag upang ibigay ang karunungan sa bawat panahon, sa oras ng inyong pakikinig.
Hayagang ipinagkakaloob ng Kabatlayaan ang kaisipan upang ipabatid ang maliit na gawain para sa inyong mga kapwa. Higit ang pag-ibig na kumikilala sa anak ng Diyos na kumikilala at tumutupad ng tungkuling inyong nagagawa na kalooban ng Ama sapagkat kayo’y espiritistang nagpapakabuti, naghahanap ng mga magpapabuti sa inyong sarili, na makilala ang maliit na bilang na maglilingkod sa kaniyang kapwa na lagi na’y naghihintay ng pag-ibig, pagpapatawad at pagpapaumanhin sa lahat ng panahon ng pag-aaral ng simulain. Subalit sa pag-aaral na ito’y nabibigyan ng lakas ang inyong pagkatao katulad ng pananampalataya, at ito’y pag-ibig, pag-ibig na walang pagtatangi. Handang magpatawad lalo na sa isang espiritistang may pagtupad sa ikasusulong ng kaniyang Espiritu.
Magpatuloy kayo sa inyong mga gawa!
Iyan lamang ang iiwan kong inspirasyon, na kayo’y mga espiritistang tutupad at gagawa para sa inyong mga kapwa. At ito ang iiwan ko upang subukin ang inyong pananampalataya. Kayo’y mga espiritistang mayroon ng pag-ibig sa simulain ng espiritismo, ngayon at magpakailanman.
Muli’y ang kapayapaan at pag-ibig sa isat-isa, ang inyong patnubay… Geronimo de Guia.