APOSTOL PABLO
Medium : Kap. na Gener
August 7, 2019 / 7:25 PM
Sumainyo ang kapayapaan upang ang biyaya ng Diyos na iniaalay sa inyong pag-aaral sa aralin na kahilingan ng inyong mga espirituwal na pangangailangan, upang kayo ay makapag-ambag din ng pang-espirituwal na bagay ang siya kong ibinabati, ngayon at magpakailanman.
Bahagi ng isang tao ang kaniyang kapwa. Ibinigay ng Diyos ang tamang bagay sa kaniya na kaniyang kailanganin. Ibinigay din sa kaniya ang kaniyang kabiyak, ang kaniyang mga anak. Ibinigay din sa kaniya ang tamang puso, ang tamang pagtingin. Ibinigay din sa kaniya ang lahat ng inaakala niyang kaniyang kailanganin upang magbigay sa kaniya ng kaparaanan na magbigay din sa kaniyang kapwa. Subalit dumarating sa tao ang sandali na ang labis sa mga kailanganing ipinagkaloob sa kaniya ay iniisip ng tao na itabi at sinupin, na may panahon na ito’y gagamitin niya, subalit pagkatapos ay hindi na niya ito nabibigyan ng pansin at inaakala niyang hindi na niya ito gagamitin at sa gayon ay naisaisangtabi na lamang. Subalit sa mga hindi gagamitin ng tao na pangsarili lamang, ito ay kailanganin naman ng kaniyang kapwa. Kayat may tawag ng pagtitiwala. Ibinigay sa inyo ang mga bagay na higit sa inyong mga pangangailangan sapagkat nasa inyong paligid ang inyong mga kapwa na maaaring kumatok sa inyong pintuan at ilahad ang kanilang pangangailangan na sa kanila ay inyong ibibigay.
Kayat sinasabi din na ang kayamanan ay gamitin ninyong pamahid ng luha ng inyong mga kapwa. Subalit kung minsan ang mga bagay na ibinibigay ninyo sa inyong kapwa, kung papaano na itinuturo sa palapahaman na ito ng buhay na dapat magkaroon ng talino ang isang mag-aaral na nagkaroon ng binhi ng Espiritismo. Bahagi kayo ng inyong kapwa at ang pangangailangan din na pang-espirituwal ay kailangang maibahagi ninyo, at ito ang ihahanda niya sa darating na panahon, upang makita niya na nakalalakad na siya at nakaaakay na siya ng mga taong hinihintay ang kaniyang mga kamay at susunod siya sa dako pa roon upang makita niya ang kaniyang sarili at makapagbago siya para sa kaniyang katiwasayan. Kung papaanong binanggit na magsinop kayo ng mga bagay na ikalulusog ng inyong mga Espiritu. Magkaroon kayo ng paghahanda para sa dako pa roon ng buhay, hindi ng mga bagay na nasusunog, natatapon at nakasusugat ng damdamin ng inyong mga kapwa kundi ito’y mga pagkaing pangkaluluwa o pang-espirituwal. Walang mananatili sa mga bagay na nasusunog at mga natatapon kundi ang mananatili lamang ay ang mga bagay na pang-espirituwal. Ito ang dapat na lasapin ng tao.
At kung papaanong kayo ay mag-aaral ng espiritismo, tunay na lagi kayong magkakasama at mabuhay kayo ng may kapayapaan, katiwasayan higit sa mga bagay na inyong tinatanggap at hinahanap. Magkaroon kayo ng pagtitiwala sa kung ano ang tinanggap para sa ikapagpapatuloy din ng tunay na liwanag na kung nasaan man ang daluyan, ang tulay o alulod na pupuntahan ng may pagmamalasakit ay tunay mong makikilala ang kadalisayan ng pag-aalaga ng simulain ng Espiritismo at tunay kayong makagawa doon sa inyong misyon at magpatuloy kayo at matuto kayong tumanggap at matuto habang naglalakbay kayo sa kapatagang ito ng lupa.
Ito ang bahagi na maging karagdagan sana sa mga araling inyong tinatanggap, patuloy kayong tumanggap ng mga biyaya. At uulitin ko, kung sa inyong pakiramdam ay sapat na ang inyong mga pangangailangan ang iba ay ibigay ninyo at ipamahagi ninyo sa inyong mga kapwa na ipinagkatiwala sa inyo ng Diyos sapagkat hindi lahat ay may kaalaman, kayo na natuto at nakaalam ang inaasahang magbabahagi sa kanila,
Muli ay sumainyo ang kapayapaan, magbahagi kayo sa inyong kapwa sapagkat lahat kayo’y may kaugnayan sa isat-isa Ako sa inyo ay nagpapaalam…ang inyong…Apostol Pablo.