APOSTOL PEDRO
Medium: Kap Gener de Jesus
February 15, 2017 / 7:20 PM
Kapayapaan ang sa inyo ay aking ibinibigay upang inyong tanggapin ang pagmamahal ng Diyo sa lahat ng mayroon ng buhay, upang inyong maramdaman na sa gitna ng kakapusan ay naroroon pa rin ang kasaganaan ng mga biyayang pang-espirituwal na sa inyo ay aking ibinibigay, ngayon at sa lahat ng sandali.
Mga minamahal na mag-aaral, hindi lingid sa inyong mga kaalaman ay nararamdaman ninyo ang pagbabago, hindi man sa lugar na ito o sa bahagi ng mga paligid dito sa inyong bansa. Nananatili kayo sa pananalangin sapagkat tulad ng hangin, hindi ninyo alam kung saan ito nagmumula. Tulad din ng alon sa dagat, hindi ninyo alam kung saan ito papanig o dadako. Nananatili kayo sa pagdarasal na mayroon ng mataimtim na paghiling sa Dakilang Ama na hindi man karapatdapat nagsusumamo kayo na sana kayo ay laging maligtas sa mga nakaambang panganib pangkalusugan sapagkat walang nakakaalam sa mga bagay-bagay at mga pangyayaring maaaring dumating sa inyong kapaligiran. Lagi ninyong ibababaling ang inyong mga kaisipan sa mga tao na nasa inyong mga paligid, una’y ng mga namumuno at sa pagpapahalaga ng mga ito sa kapaligiran. Maliit man ang nagiging bunga, kahit mahina ay lumalakas ito, kahit naging maganda man ang layunin subalit nakakasama naman sa batas ng kalikasan, nagbubunga pa rin ito ng panganib.
Mga minamahal ko, binabanggit ko ang mga bagay na ito sapagkat sa gitna ng mga pagnanasa na kayo ay mabigyan ng pagkain, na kayo’y laging mabigyan ng pag-alala ay nagkakaroon kayo ng pagsasandugo sa pananalangin upang ito’y magsilbing lakas na sasangga sa mga lakas o puwersa na maaaring makasira o makabuwag sa kung ano ang kalagayan ninyong mga tao, ang pagkakaroon ninyo ng karamdaman o ng nararamdaman sa maliit na bahagi ng kalupaan. Kapag pinanatili ng tao ang kahinaan ay madali siyang maitutulak, madali siyang matutumba at hindi siya makakaiwas sa mga bagay na ito. Subalit mga minamahal ko, hindi ito isang takot, sapagkat lahat ng bagay ay napaghahandaan, sugat o sakit sa laman ay higit itong makasusugat sa kalagayan ng isang taong walang paghahanda.
Kung ang simulain ng Espiritismo ay inyong tatanganan, kakapit kayo sa isang kahalagahan ng biyayang idinudulot nito. Mababawasan ang inyong pag-aalinlangan, mahahadlangan ang anomang sakit na maaaring idulot nito sapagkat kayo’y nagkaroon ng pagtanggap sa mga araling ito. Pinapataas ang inyong pananampalataya sapagkat kayo’y binubusog sa pangaral ng kabutihan at kung papaano ninyo ibibigay at isisigaw na mayroon ng karunungan at pag-ibig ang inyong mga kalagayang pang-espirituwal na siyang tangi ninyong hahawakan at kakapitan ng mayroon ng tunay na ipangtatapat sa mga gawain at tungkuling inyong iniaaral. Lahat ng bagay na dumarating ay umaalis, nagbabago, naluluma, maging ang sigla’y napapalitan ng panglalata, katalinuhang nakakamit sa pangsariling kapakanan, karunungang napapabayaan, pag-ibig na isinasangtabi sapagkat nagagamit sa pangsariling kagustuhan, subalit kailan ba aasahan ng tao na ang mga sangkaping ito na ibinigay sa kaniya upang siya ay magkaroon ng lakas ay tunay na maging kapitan niya at panggalang sa oras na sa kaniya ay may tutulak at kaniyang ipanghihina? At kung ang mga bagay na ito’y magagamit ng tao, maaring madala siya sa kahinaan ng daigdig.
Alalahanin ninyo mga minamahal na mag-aaral, mag-aaral kayo upang matuto. Sinisikap ng Kabatlayaan na matanggap ninyo kung ano ang sanhi ng buhay upang ito’y maging kapakipakinabang. Masisiyahan ang inyong laman, subalit pagdating ng hapon ay muling manghihina. Palakasin ninyo ang inyong mga espirituwal na kaalaman upang pagdating ng hapon ay maisang tabi ninyo ang mga biyayang ito upang magamit ninyo at maipagpatuloy ninyo ang inyong buhay, upang kayo ay magkaroon ng kaalaman na kaya kayo ay nabubuhay upang maging bahagi at magsagawa sa kung ano ang magiging daan patungo sa kalagayan na kayo sa inyong mga sarili ay maging bahagi ng katahimikan ng sangkatauhan. Kung papaanong sa inyo ay aking nabanggit,”mawawala ang lahat ng bagay na ito, subalit ang mga salitang nagmumula sa Diyos ay mananatili “kapag ang isang kalagayan ay natuto at nagsikap, ang karunungang ito ay hindi kailanman nanakawin o sasalangsangin ng sino pa man o ano pa man sapagkat doon ay nakita kung ano siya, sino siya at kung ano ang iiwanan niyang bakas upang makita sa dako pa roon kung ano ang tunay na pagmamahal na ibinibigay sa pamamagitan ng simulaing ito ng inyong pag-aaral.
Mga minamahal na lingkod ng Diyos, lagi kayong magsuri sa inyong paligid. Imulat ninyo ang inyong mga kaisipan, lagi kayong magsuri sa kung saan pumapanig ang mga balita, sumabay kayo kung saan patungo ang simoy ng hangin at huwag kayong sasalungat upang huwag kayong matumba o maitulak bagkus kayo ay magkaroon ng tunay na pagtitiwala sa Diyos ngayon at sa lahat ng sandali.
Ito sana ay maging tunay na pagkain sa inyong kaisipan na sa inyo ay aking iiwan ngayon at magpakailanman.
Muli ay sumainyo ang kapayapaang hatid ng pag-aaral na ito, maging tunay kayo sa inyong tunay na kalagayan. Ako sa inyo ay nagpapaalam, ang inyong… APOSTOL PEDRO, paalam.